“Akin ka nalang”..
Kaso hindi eh. Anong magagawa ko kung may mahal siyang iba? Magiging selfish ba ako at ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kagustuhan ko kahit alam kong di siya magiging masaya sa akin? Oo mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero wala eh. Wala siyang nararamdaman. Hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, ang hirap. Syempre nagmahal ako ng todo noh. Ang sakit sakit lang kasi, sa tuwing nasasaktan siya gusto ko siyang bawiin sa nanakit sa kanya at sabihin ang mga salitang “akin ka na lang..” pero ang tanong..
Magiging masaya ba siya sa akin?
Mas pipiliin ko pang maging magkaibigan nalang kami kesa sa pumasok sa isang relasyon na pinilit. Ayoko. Oo, mahal ko siya. Masakit. Masaklap. Na hanggang ganito na nga lang kami. Pero tatanggapin ko. Sumaya lang siya. Sana sa pagbitaw ko sa nararamdaman kong ito, di na siya masaktan. Sana lagi ko nalang makita ang kanyang mga ngiti.
Pag-ibig nga naman. Ang saklap. Nahuhulog ka sa taong may mahal ng iba. Pain=Love. Nakatatak na ata eh. Siguro sa hinaharap masasaktan din siguro ako, iiyak, pero alam kong may magmamahal sa akin ng totoo. Yung laging dadamay sa akin, yung magpapangiti sa akin at di ako iiwan. Darating din siya sa buhay ko. Di man SIYA yun. Alam kong may darating. Magmamahal din ako. Katulad ng pagmamahal niya sa taong mahal niya.
Kaya habang tinatanaw ang sayang natatamo niya sa kalayuan. Hinahanda ko na ang sarili para “magmahal”.