Siya na nga ang may kasalanan..Ikaw pa ang nag-so-sorry..

angitinakdaparasayo:

Wala ka na bang pride? Oo, alam kong mahal mo siya at ayaw niyong nag-aaway kayo, pero mali hindi na tama na ikaw ang umako sa kasalanang ginawa niya. Di na pagmamahal ang tawag doon eh. Hinahayaan mo siyang abusuhin ang pagiging mabait mo at ang pagmamahal niya sa iyo. May nagmamahal ba na ganyan? Yung hinahayaan ka niyang masaktan. Di man lang siya nagso-sorry sa KASALANANG NAGAWA NIYA. Eh gago naman pala siya eh. Huwag ka ng magtiis sa kaniya teh. Lalo ka lang masasaktan. Hindi pwede sa isang relasyon na ang isa ay laging bigay ng bigay at ang isa ay tanggap ng tanggap. Di ganun yon. Kaya nga give-and-take diba? Tsaka, kung mahal ka naman niya talaga, aaminin niya ang kasalanan niya at siya mismo ang magso-sorry sa iyo. Huwag mo namang akuin ang lahat. Alam mo na wala kang kasalanan, kaya bakit ka magso-sorry? Eh no choice. Mahal mo siya eh. Ingatan mo naman puso mo ha, huwag mo hayaang saktan ka na lang niya. Maging matapang ka. Huwag mo siyang hayaang abusuhin ka. You deserve to be happy. Everybody does. And that includes you. 

Yung tipong..

Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na kalimutan ang feelings ko sayo, pero bumabalik naman sa tuwing kinakausap mo ako. Hay buhay.

    Ugh.

  • Me: *Lalala~ Moving on..Lalalala~ Moving on..*
  • Him: Hi :)
  • Me: * Didn't hear a thing..Lalala~ Moving on..Lalalala Movi-*
  •  *oh shit*
  • Me: Hi :">

LOVE at first sight o LIKE at first sight?

angitinakdaparasayo:

Di ako naniniwala sa love at first sight. Bakit? Kasi mata ang ginagamit na basehan para masabi mo na mahal mo ang isang tao. Dapat ata like at first sight ang tawag jan. Di lang pisikal na anyo ang basehan kng bakit mahal mo ang isang tao, syempre dapat pansinin mo din ang ugali. Bakit? Makakatagal ka ba sa isang taong, gwapo/maganda nga pero ang ugali parang kung sino umasta. Diba hindi? Ang “love” nararamdaman yan. Di nakikita. Kaya nga may kasabihang, di dapat hanapin ang pag-ibig kasi kusa itong dumadating sa atin ng di natin namamalayan. Minsan akala natin, mahal na natin ang isang tao, pero di naman talaga. Infatuated lang tayo sa kanila dahil nga gwapo/maganda sila.  Maraming definition ang love pero di mo agad masasabi na kapag nakita mo ang isang tao eh mahal mo na siya. Dapat kilalang kilala mo siya. Para sa huli di tayo magsisi. Kaya maraming relationship ang nasisira di lang dahil sa kawalan ng trust o communication, minsan nafa-fall out love nalang bigla yung tao at naiisip na di niya destiny ang karelasyon niya. Ang resulta? Heartaches, luha, regrets  & wasted time. Sabi nga sa isang anime na napanood ko, “Love has two characters involved, the right person and you.” Marami tayong makikilala na akala natin “sila na” talaga, pero iisa lang talaga ang nakatadhana para sa atin. At pagtama ang tiyempo ng timing at nakilala mo yung “the one” ang resulta? Happiness.

The Truth is..

angitinakdaparasayo:

Women: Fall in love by what they hear.

Men: Fall in love by what they see.

That’s why most of the women put make-up and most of the men lie.

"Sa isang love-triangle di mawawalan ng TANGA"-Karen

TANGA-MANHID-NAGPARAYA 


Tanga- Siya yung kahit isampal na sa mukha niya ang lahat ng kasinungalingan ng taong minahal niya. Hindi niya ‘to maiwan-iwan kasi mahal niya ito. Masama nga ba magmahal? Hindi. Ang masama lang, kahit mali na ang ginagawa ng taong mahal mo eh wala kang ginawa para itama ito. Ngayon sino ang may kasalanan kung nasasaktan ka? Siya o IKAW?

Manhid-Siya yung taong nagbubulag-bulagan. Alam na siguro ng buong mundo na mahal mo siya, pero siya parang wala lang. Walang pakialam. Lahat ng tao may pakiramdam. Bato na nga siguro ang taong di man lang nakakaramdam ng lungkot,saya o galit. Manhid nga ba siya o nagmamanhid-manhidan? May mga taong ganyan. Pinipili na huwag pansinin ang nararamdaman ng iba. Bakit? Simple lang. Di ka ganoon ka importante sa kanya. In other words, wala siyang nararamdaman para sayo.

Nagparaya- Masasabi din nating tanga si nagparaya. Mahal niya yung taong yun. Pero pinakawalan niya. Ang madalas na dahilan.."Kung saan ka masaya, masaya na din ako" kahit sobrang sakit na ang nararamdaman mo ang importante ay kung saan siya masaya. Ganyan naman talaga ang pag-ibig, minsan kailangang magsakripisyo. Minsan kailangang mag paka “martyr”. Mahal mo eh. Pero natanong mo na ba sa sarili mo. “Kailan ako magiging masaya?” 

Tanga ko lang…

Kasi kailangan ko pa talagang masaktan bago sabihin sa sarili ko na di mo na talaga ako mahal..Tanga nga ko nga.

Ang hirap maging kaibigan mo..

Kung…

  • Lagi kang nandyan kapag kailangan kita.
  • Lagi mo akong pinapatawa.
  • Lagi mo akong sinasakyan sa mga loko-loko kong trip.
  • Lagi mo akong kinukulit.
  • Lagi ka nalang sweet sa akin.
  • Lagi mo akong inaalagaan.
  • Lagi mo akong pinapakinggan sa tuwing may problema ako.
  • Lagi kang overprotective sa akin.
  • Lagi kang nagsasabing “I love you friend.” o “Ang cute mo ngayon ah.”

Potek ang hirap talaga. Kaibigan pa ba talaga ang turing mo sa akin o more than friends? Sabihin mo naman ng maaga oh. Nahuhulog na kasi ako sayo. Natatakot akong baka bigla mo nalang sabihin. “Sorry hanggang kaibigan/kapatid lang talaga ang tingin ko sayo.”