Sabi mo masaya ka para sa kaniya..

angitinakdaparasayo:

Pero sa totoo..

  • Nasasaktan ka kasi di ikaw ang pinili niya.
  • Nasasaktan ka kasi kaibigan lang turing niya sa iyo.
  • Nasasaktan ka kasi iba ang nagpapasaya sa kaniya at di ikaw.
  • Nasasaktan ka kasi lagi kang nagseselos tuwing magkasama sila.

At higit sa lahat

  • Nasasaktan ka kasi kahit meron na siyang ibang mahal, MAHAL na MAHAL mo pa din siya.

All about “Hidden Relationships”..

angitinakdaparasayo:

Kahit kalian, walang hinangad na masama ang bawat magulang para sa kaniyang anak. Kung tutuusin kahit ano ibibigay ng isang ina o ama para maging masaya ang kaniyang anak. Sa henerasyon natin ngayon, pabata na ng pabata ang mga nagkakaroon ng relasyon. Kaya ang iba, tinatago nalang sa mga magulang nila na sila ay may karelasyon dahil nga strikto sila. Para sa ibang tao, okay lang ang set up na ‘to. Yung tila may thrill ang kanilang love story kasi may secret silang tinatago. Hindi ba naiisip ng mga kabataang ito na may kasalanan silang ginagawa? Ang pagsisinungaling sa magulang, na pwedeng magdulot ng pagkasira ng tiwala ng magulang sa anak. “Nagmamahalan lang naman kami eh, bakit kailangang ipagkait niyo pa yun.” Yan ang kadalasang, sinasagot ng mga nahuhuli. Wala namang mali kung magboboyfriend/girlfriend ang isang tao, hanggat nagagawa niya ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang pamilya at kaniyang sarili. Ang tanong lang, bakit pa kailangang itago? Kung maipapaliwanag niyo ng mabuti sa inyong mga magulang, sigurado namang maiintindihan ka nila dahil MAHAL KA NILA. Naranasan na nila ang mga bagay bagay sa mundo na di pa natin natututunan. At higit sa lahat ayaw nila tayong masaktan. Gusto lang nila na mapabuti lang tayo. Kaya dapat, di tayo magalit sa kanila, dapat nga pinapakinggan natin sila eh. Para naman sa mga kabataang, di pinayagang magkaboyfriend/girlfriend, intindihin niyo ang mga magulang niyo, alam kong paulit ulit niyo ng naririnig pero “Masyado pa kayong bata” kahit nararamdaman niyo sa sarili niyo na kaya niyo ng pumasok sa isang relasyon, marami pa kayong dapat matutunan. Magulo at Nakakalito ang mundo ng PAG-IBIG. Pero kung talagang nagmamahal ka nga, ipaliwanag mo ng mabuti sa iyong mga magulang. Di mo kailangang itago ang iyong boyfriend o girlfriend, ipakilala mo sa parents mo. Ipakita mo sa parents mo ang magagandang qualities ng bf/gf mo. Ipakita mo na dapat ka nilang pagkatiwalaan. Malay mo, ibigay pa nila blessings nila para sa inyong relationship. Ang sarap lang sa pakiramdam mahal ka na nga ng taong “mahal” mo, suportado ka pa ng magulang mo sa pag-ibig niyong dalawa. Diba?

Nakalimutan mo na nga ba siya kung…

angitinakdaparasayo:

  •  Nakatago pa din ang mga regalong ibinigay niya.
  •  Nakasave pa din ang number niya sa cellphone mo.
  •  Inuulit mong basahin ang mga sweet messages niya sayo. 
  •   Nagiging sentimental ka sa tuwing maririnig mo theme song niyo.
  •   Bawat araw naghihintay ka ng text galing sa kanya.
  • Tinitingnan mo ang mga pictures niyong dalawa.
  • Sa tuwing maririnig mo pangalan niya, bumubilis agad tibok ng puso mo.
  • Sa tuwing makikita mo siya na may kasamang iba, nagseselos ka.

At higit sa lahat.. 

  • Kung umaasa kang, babalik siya at sasabihing mahal ka niya.

“Pero nakalimutan ko na siya..”

Sinong niloko mo?..Mahal mo pa siya. Masakit, kapag naaalala mo pa yung mga sandaling magkasama kayong dalawa. Hindi computer ang puso natin na kung may gusto tayong “i-delete” na “memory” sa ating buhay ay agad nating magagawa. Panahon ang kailangan at pag-tanggap sa sarili na “wala na kayo” ang kailangan kung gusto mo siyang makalimutan. Balang araw, kung magkita man kayo, di ka na masasaktan. Kasi, tanggap mo na “tapos na ang lahat”. At pwede pa naman kayong maging magkaibigan. Hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos na parang din a kayo magkakilala. Dahil kung talagang nakalimutan mo na nga siya at ang nararamdaman mo sa kaniya, magkakaroon ng lugar ang puso mo para sa kaniya. Di bilang isang kasintahan kundi isang malapit na kaibigan.

LOVE at first sight o LIKE at first sight?

Di ako naniniwala sa love at first sight. Bakit? Kasi mata ang ginagamit na basehan para masabi mo na mahal mo ang isang tao. Dapat ata like at first sight ang tawag jan. Di lang pisikal na anyo ang basehan kng bakit mahal mo ang isang tao, syempre dapat pansinin mo din ang ugali. Bakit? Makakatagal ka ba sa isang taong, gwapo/maganda nga pero ang ugali parang kung sino umasta. Diba hindi? Ang “love” nararamdaman yan. Di nakikita. Kaya nga may kasabihang, di dapat hanapin ang pag-ibig kasi kusa itong dumadating sa atin ng di natin namamalayan. Minsan akala natin, mahal na natin ang isang tao, pero di naman talaga. Infatuated lang tayo sa kanila dahil nga gwapo/maganda sila.  Maraming definition ang love pero di mo agad masasabi na kapag nakita mo ang isang tao eh mahal mo na siya. Dapat kilalang kilala mo siya. Para sa huli di tayo magsisi. Kaya maraming relationship ang nasisira di lang dahil sa kawalan ng trust o communication, minsan nafa-fall out love nalang bigla yung tao at naiisip na di niya destiny ang karelasyon niya. Ang resulta? Heartaches, luha, regrets  & wasted time. Sabi nga sa isang anime na napanood ko, “Love has two characters involved, the right person and you.” Marami tayong makikilala na akala natin “sila na” talaga, pero iisa lang talaga ang nakatadhana para sa atin. At pagtama ang tiyempo ng timing at nakilala mo yung “the one” ang resulta? Happiness.

Huwag na ipilit ang di mapilit-pilit.

“Huwag mong pilitin baka dumugo”. Madalas yan ang joke na sinasabi ng mga classmates and friends ko kapag may pinipilit kang bagay na ayaw namang bumigay. Pero kung tutuusin may point din naman sila. Kapag pinilit mo ang isang bagay na mangyari, kung di talaga ‘to para sa iyo eh di mo talaga to makukuha. Ginamitan mo na ng tiyaga, pawis dugo at luha pero wala pa din. Ibig sabihin di talaga para sa iyo ang bagay na ito. Kagaya lang ito ng pag-ibig. Kung ipinipilit mo ang iyong sarili sa taong ayaw naman sa iyo masasaktan at masasaktan ka lang. Sa mga taong nagmamahal sa isang taong wala namang gusto sa kanila, huwag tayong magtanga-tangahan. Di bato ang puso ng tao, para di makaramdam ng sakit sa tuwing di tayo pinapansin ng mahal natin. Sa larangan ng pag-ibig magkaiba ang BOBO sa TANGA. Ang bobo walang ginagawa, ang tanga naman lahat ginagawa. Pero kahit anong gawin, kung wala pa ding epekto eh wala pa ding mangyayari. Ang magandang solusyon. MOVE-ON. Madaling sabihin, mahirap gawin. Pero sabi nga nila o sa isa ba yung kanta na, “Time heals all wounds”. Alam naman natin lahat na walang relasyon ang nagtatagal kung napipilitan ang kahit isa lang sa magkarelasyon. Luha, heartaches at regrets lang ang makukuha nila sa isang pilit na relationship. Pero may iba na kahit napilitan eh natutunan na din mahalin yung taog ipinilit sa kanya. Yan ang tinatawag na destiny. Kahit overrated na ang salitang “destiny” alam naman natin na nageexist eto. Pero huwag nating kalimutan na may “choices” tayong tinatawag na siyang factor kung ano ang magiging destiny natin. Kung para talaga sayo ibibigay sa iyo, kung di naman tiyak may plano si Lord na ibibigay sa iyo na mas higit pa sa hinihiling mo.

Huwag kang masyadong mabait..baka ma-inlove ako sayo..

Minsan sinasabi to ng mga babae sa kanilang sarili para mapaniwala nila na walang namamagitan sa kanila ng taong lihim niyang gusto. Lalong-lalo na kung ang taong yun ay sobrang bait sa kanila at ang turing pa ay parang “more than friends”. Ang hirap na di isipin ng isang babae na special ang turing ng lalaki sa kanya lalo pa’t sobrang sweet, caring and thoughtful ng lalaki sa kanya. Kahit normal lang para sa lalaki ang ganun, minsan di maiiwasan na mahulog ang loob ng isang babae sa kanya. Pero di naman natin masasabi na lahat ng sweet, caring at thoughtful na tao ay wala ding lihim na pagtingin sa isang babae. Malay mo diba? Ginagawa niya yun dahil mahalaga ka para sa kanya. Kaya tayong mga babae, kung nahuhulog na tayo dahil sa sobrang bait ni lalaki ay sabihan kaya natin silang “Huwag kang masyadong mabait..baka ma-inlove ako sayo..”. Syempre naman, sasagot sila. Kung walang halong romantic feelings yung lalaki para sayo, tanggapin natin ito at magpasalamat sa kabaitang pinakita niya sa iyo. At sakaling gusto ka nga niya, ang swerte swerte mo. Kaya magpasalamat ka din sa kaniya dahil gusto niya lang makita na masaya, komportable at okay ka. Dahil kung masaya ka, sigurado din naman akong masaya din siya dahil nakikita niya na siya ang dahilan ng iyong pag-ngiti. Diba?

Nakalimutan mo na nga ba siya kung…

  •  Nakatago pa din ang mga regalong ibinigay niya.
  •  Nakasave pa din ang number niya sa cellphone mo.
  •  Inuulit mong basahin ang mga sweet messages niya sayo.
  • Nagiging sentimental ka sa tuwing maririnig mo theme song niyo.
  • Bawat araw naghihintay ka ng text galing sa kanya.
  • Tinitingnan mo ang mga pictures niyong dalawa.
  • Sa tuwing maririnig mo pangalan niya, bumubilis agad tibok ng puso mo.
  • Sa tuwing makikita mo siya na may kasamang iba, nagseselos ka.

At higit sa lahat..

  • Kung umaasa kang, babalik siya at sasabihing mahal ka niya.

    “Pero nakalimutan ko na siya..”

    Sinong niloko mo?..Mahal mo pa siya. Masakit, kapag naaalala mo pa yung mga sandaling magkasama kayong dalawa. Hindi computer ang puso natin na kung may gusto tayong “i-delete” na “memory” sa ating buhay ay agad nating magagawa. Panahon ang kailangan at pag-tanggap sa sarili na “wala na kayo” ang kailangan kung gusto mo siyang makalimutan. Balang araw, kung magkita man kayo, di ka na masasaktan. Kasi, tanggap mo na “tapos na ang lahat”. At pwede pa naman kayong maging magkaibigan. Hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos na parang din a kayo magkakilala. Dahil kung talagang nakalimutan mo na nga siya at ang nararamdaman mo sa kaniya, magkakaroon ng lugar ang puso mo para sa kaniya. Di bilang isang kasintahan kundi isang malapit na kaibigan.